Friday, July 30, 2010

paano maging kasing kaakit-akit ni Rubi?






Kamakailan lang napapansin kong nahuhumaling ang mga manonood ng soap opera kay Rubi; ang bidang kontabida. Ang teleseryeng ito ay hango sa kwento ni Ruby, isang show sa Mexico.

Dito sa Pilipinas, ang gumanap na Rubi ay si Angelica Panganiban. Isang artistang kilala sa kanyang galling umarte,sa ganda, at….hhhhmmmm?? kasexyhan? (medyo may debate yata jan)

Sa kwentong ito, naaakit ang lahat ng lalaki kay Rubi at tila pinagaagawan siya ng mga ito. Sa mga babae, “ang haba ng hair mo” kung pinagaagawan ka ng mga lalaki. Dahil dito, maraming babae ang nangangarap na maging tulad ni Rubi (di ako kasama dun a..hahahaha)

Ang problema ngayon, ano kayang meron siya? At mas mahalaga, pano natin siya matatalbugan??

Narito…

Isang mahalagang konsepto ng ebolusyon at survival of the fittest ang pagkakaroon ng mga katangiang kaakit-akit para sa opposite sex upang maipagpatuloy ang reproduksiyon at salinlahi. Ayon kila Elliot, A. at Niesta, D. (2008), narito ang mga katangiang hinahanap ng mga lalaki sa mga babae (Gangestad & Scheyd, 2005; Rhodes,2006; Symons, 1995; Weeden & Sabini, 2005)

· sexually dimorphic (i.e., highly feminine)

· symmetrical

· average facial features

· relatively low waist-to-hip

· low body mass index

In short, gusto nila nung tinatawag nating “balingkinitan” at nang babaing babaing itsyura.

Dagdag pa ni Geldart (2008), gusto ng mga lalaki ang mga sumusunod na katangian ng mukha;

· sexually-mature and youthful features (i.e., higher cheekbones, smaller

chin, larger eyes)

Na hindi natin maikakaling, ganito ang kawangis ng mukha ni Angelica Panganiban. Ayon kay Jones ( 1995) at McArthur & Berry (1987) ang mga katangiang ito ay nagevolved bilang mga sinyales na reproductively healthy ang isang babae, at upang masiguro na sa kanya mahuhumaling ang mga lalaki.

Kung akala mo naman ay bigo ka sa pag-ibig dahil kulay kayumanggi ka, pinakyaw mo na lahat ng pampaputi sa department store, at nilagok mo na lahat ng pampaputi…itigil mo na yan! Dahil napagalaman nila Fink, Grammer, at Thornhill noong 2001 “dark skin, not light skin, was rated as most attractive”.

Kaya te, itigil mo na yang pagkukulong mo bahay at ipagmalaki ang tunay mong kulay ( o diba, rhyme!)

Kung wala ka ng mga katanigang ‘yan, wag kang magalala ‘te. Konti makeover lang at pagbabago sa wardrobe, makakatulong na. Naito ang natuklasan ni Elliot at Niesta nitong 2008,

“In many nonhuman primates, the color red enhances males’ attraction to females. In 5 experiments, the authors demonstrate a parallel effect in humans: Red, relative to other achromatic and chromatic colors, leads men to view women as more attractive and more sexually desirable. Men seem unaware of this red effect…”

At malamang din, ito na ang greatest secret ni Rubi…dahil lagi siyang nakapula.

Ngayon, alam na natin kung anu-ano ano ang katangian ng alpha female. Maaaring ang iba nito wala tayo, pero ok lang yan, mag RED ka nalang.



References:

Elliot, A. & Niesta, D. (2008). Romantic Red: Red Enhances Men’s Attraction to Women. Journal of Personality and Social Psychology, Vol. 95, No. 5, 1150–1164.

Fink, B., Grammer, K., & Thornhill, R. (2001). Human (Homo sapiens) Facial Attractiveness in Relation to Skin Texture and Color.Journal of Comparative Psychology 2001, Vol. 115, No. 1,92-99.

Gangestad, S. W., & Scheyd, G. J. (2005). The evolution of physical attractiveness. Annual Review of Anthropology, 34, 523–548.

Geldart, S. (2008). Tall and Good-Looking? The Relationship Between Raters’ Height and Perceptions of Attractiveness. Journal of Individual Differences. Vol. 29(3):148–156.

Jones, D. (1995). Sexual selection, physical attractiveness, and facial neoteny. Current Anthropology, 36, 723–748.

McArthur, L.Z., & Berry, D.S. (1987). Cross-cultural agreement in perceptions of babyfaced adults. Journal of Cross-Cultural Psychology, 18, 165–192.

Symons, D. (1995). Beauty is in the adaptation of the beholder: The evolutionary psychology of human female sexual attractiveness. In P.Abramson & S. Pinkerton (Eds.), Sexual nature/sexual culture (pp.80–118). Chicago: University of Chicago Press.

Weeden, J., & Sabini, J. (2005). Physical attractiveness and health in Western societies: A review. Psychological Bulletin, 131, 635–653.

No comments:

Post a Comment