Dati, nagblog na ako tungkol sa attraction. Sa blog na iyon, nabanggit na na nahahalina ang mga lalaki sa mga babaeng nakasuot ng pula (Elliot and Niesta, 2008). At sabi ni Sir Diwa, bilang reaksiyon dito, may research na rin daw ngayong 2010 na nagsasabing ang mga babae din ay naaattract sa mga lalaking nakasuot ng pula (di ko natanong kung sinong researchers, sorry can’t credit, I’ll ask next time).
So okay, tapos na tayo sa mga paraan kung paano makakaattract ng partner kaya ngayon dumako naman tayo sa mga paraan kung paano makipagdate. Let’s assume na gusto mo si Ate o si Kuya at first date niyo palang ito, paaano kaya magkakaroon ng susunod pang dates? O mas maganda, paano ka kaya niya magugustuhan din? May mga ilang tips na binibigay ang mga Sikolohista ( galing ‘to sa 160 class ko )Narito…
1. Manood kayo ng horror movies! O basta mga pelikulang nakakatakot o nakakagulat. Bakit? Dahil ang arousal na natatanggap ng autonomic ganglia (parasympathetic at sympathetic) ay non-specific at misleading. Ibig sabihin ang takot o excitement na mararamdaman ni crushie habang nanonood ng pelikula ay pwede nyang ma -associate na heightened feelings niya para sa iyo. O diba bongga?
2. Thrilling sports! Tulad ng paliwanag sa horror movies, ang thrilling sports ay nakakapagbigay din ng mga pakikiradam at emosyong maaaring ibaling o icredit natin sa taong kadate natin. Well, ikaw safe ka na kasi gusto mo na siya dati diba? Hahahaha. Sinisiguro mo nalang na mareciprocate niya ang nararamdaman mo. Tomo!!!
May isang experiment na tinatawag na Shaky Bridge Experiment (Duton and Aron, 1974) na nagpapatunay na pwedeng mangyari ang nabanggit ko na sa itaas. Ganito ang nangyari sa Shaky Bridge experiment; may isang magandang girl na nagsusurvey sa taas mismo ng isang hanging wooden bridge! Bongga si ate! So ikaw ang naglalakad sa shaky bridge na ito, sasagot ka ba? magiging interesado ka pa ba sa magiging resulta ng sarbey na sinagutan mo? E paano naman kung sa baba at hindi sa shaky bridge ka na sinarbey ni ate? Sa eksperimentong ito, nakita na mas maraming tumawag upang malaman ang resulta ng sarbey mula sa mga tinanong niya sa shaky bridge kesa sa mga sa baba na tinanong. Bakit? Dahil naassociate nang participants ang “pagkagusto” kay ate sa thrill (o takot) na naramdaman nila nung nasa shaky bridge sila.
3. Oxytocin aerosols. Ang Oxytocin ang neurotransmitter para sa attachment at bonding , ito ang neurotransmitter na may hawak sa pagkagusto natin sa ibang tao o sila sa atin (pero syempre, hindi lang ito ang mga ginagawa ng Oxytocin). Bago lang research study na nagsasabing may mga pabango o aerosols na raw na may Oxytocin na pwedeng i-spray. Pagkatapos, pwede itong malanghap ni crushie at voila!-instant attachment. Sabi ng classmate ko, ginagawa raw ito sa mga speed dating. Hmmm.
4. Delikadong mga sitwasyon. Sa mga action movies (lalo na sa ‘Pinas), karaniwang nagkakainlaban ang leading lady at ang leading man pagkatapos ng isang pagharap sa delikadong sitwasyon tulad ng pagtakas o di kaya’y pakikipagsuntukan sa mga hoodlooms. May koneksiyon ito sa attraction na nabubuo natin sa isang tao sa tuwing tayo ay may inaasahang paparating na kapahamakan (base sa Anticipation shock experiment). Pero ‘wag niyo na siguro niyong gawin to, wag niyo namang ipagdasal na may mangyaring sunog sa sinehan o may mga holdaper na dumating sa pinagdedate-an niyo ni crushie.
Ayan, so may apat na tayong natutunang tips kung pano makipagdate upang makuha natin ang atensiyon, atraksiyon, at “puso” ni crushie. Muli na naman nating napatunayan na hindi lang pang “geeks” ang journal articles, cool sila at NAGAGAMIT. *wink *wink.
P.S. sa 160 class naming kung saan ko nakuha ang lahat ng ito, kung sakali mang may mga mali akong nasabi, please feel free to leave a comment at aayusin natin yan. Salamat!
Elliot, A. & Niesta, D. (2008). Romantic Red: Red Enhances Men’s Attraction to Women. Journal of Personality and Social Psychology, Vol. 95, No. 5, 1150–1164.
Dutton, D. & Aron, A. (1974). Some evidence for heightened sexual attraction under conditions of high anxiety. Journal of Personality and Social Psychology, 30, 510-517.
160 class lecture and classmates.