by Dianne Cuyugan
Noong nasa elementary at high school pa ako, karaniwan sa isang autograph, ganito ang makikita mo:
Describe yourself: Judge me
Nakakatawa di ba? Kasi alam kong ganyan din ang sinulat mo noon, at di mapagkakaila na ginawa ko rin iyon. Tama naman di ba? Kasi nga naman, ang mga kaibigan natin ang higit na nakakakilala sa atin – sa ugali, pag-iisip at ugali natin. Natutulungang mabuo ang pagkatao ng isang indibidwal sa pamamagitan ng mga kaibigan, magulang, pamilya at kung sino pang maiisip mong malapit sa buhay mo. Eh, kung tatanungin kita, maaari ba ang isagot mo sa autograph ay ganito:
Describe yourself: THEN, I’LL DESCRIBE YOU! O_O
Naisip mo na ba kung paano at kung pwede bang mangyari ito? Ayon sa isang pag-aaral nila Woods, Harms at Vazire (2010), pwedeng-pwedeng mangyari ito. Paano di ba? Natuklasan nila ang tinatawag na perceiver effect kung saan maaari itong maging personality projective test. Ang perceiver effect ay nailalarawan mo ang sarili mo o kung paano mo nakikita ang sarili mo sa pamamagitan ng paglalarawan mo sa ibang tao. Hindi man halata at alam sa sarili mo pero ganito ang paraan ng pag-iisip ng utak mo.
Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming bagay tayong nakikita na kapareho natin sa ibang tao. Nakakatawa lang isipin kasi parang ganito lang iyan: “Naging magkaibigan tayo dahil nakita ko ang sarili ko sa iyo nang ilarawan kita.” Kung iisipin, maaaring ganito nga ang pagkakaibigan, tulad ng sabi nila “Birds of the same feather flock together.”
Isa pang naisip ko, ganito ba ka-self-centered ang tao – sarili pa rin ang nakikita sa katauhan ibang tao? Ano sa tingin mo?
Reference: Wood, D., Harms, P., & Vazire, S. (2010). Perceiver effects as projective tests: What your perceptions of others say about you. Journal of Personality and Social Psychology, 99(1), 174-190. doi:10.1037/a0019390.
No comments:
Post a Comment